Insert Mysterious/Symbolic/Witty/Inspirational Title Here
"If swords had memories, they'd be grateful to the forge fire - but never fond of it. "
-Rand Al'Thor, The Dragon Reborn
Kung alam mo kung ano yung Wheel of Time, kilala mo na yan. At kung hindi naman, sana maintriga ka't basahin mo siya, para may makausap naman ako tungkol sa librong 'to.
Anyway, magsusulat ako ngayon sa tag-lish kasi ganun na ako magisip. I have my girlfriend, Crissy, to thank for that.
Tenkyu bebi.
Matagal-tagal na akong nagrereklamong wala akong inspirasyon kasi masaya ako. Well hindi naman talaga masaya, in a relationship na masaya lang. Gaya ng 99.9% of germs, este, people in the world, maraming marami pa akong problema. SSDD ika nga nila. Same Shit, Different Day.
Kabubura ko lang ng isang talata kung saan ko inilista lahat ng problema ko. Nasa introduction pa lang ako nang ma-realize kong kahit mahilig ako sa mga mahahaba't animo'y walang kabuluhang intro ay hindi na ako aabot sa punto ko kung itutuloy ko pa ang listahang iyon. Tsaka, naka-rasyon din ang kasipagan ko, parang bond paper sa opisina ng TNB o Iced White Chocolate Mocha ng Starbucks - kailangang sulitin.
So ano nga naman ang pumasok sa isip ko't naglagay din ako ng quote sa taas ng post na to, gayong nasa kalahati na ng sipag ko ang nagagastos ko't hindi pa din ako nagsisimulang magsulat ng bagay na may kabuluhan? Simple lang, cute sha e. At gusto kong maengganyo ka ding magbasa ng WOT (Wheel of Time). May post ako regarding this book, paki check na lang sa Previously on CSK. Wag mag-alala! Hindi ito tungkol sa mga gulong ng isang sikat na News Magazine o mga tires na pag ginamit mo ay hindi ka na male-late. Kung nakapaglaro ka ng RPG o mahilig ka sa espadahan, o isa kang wannabe-chauvinist tulad ko na takot sa babae, may 99% chance na magustuhan mo ang librong ito ayon sa isang survey na hindi kailanman maipapatupad.
Matapos ang mahaba-habang ad-post na yun (na sinulat ko lang kasi nagbabaka-sakali akong nagbabasa din si Robert Jordan ng blog ko at marunong din siyang magtagalog para bigyan niya ako ng libreng kopya ng last book niya) ay pupunta na ko sa punto ko. Kung malas ka din, tulad ko, nagswi-swimming din ako sa problema ngayon. At kahit hanep sa gasgas ang cliche' na whatever doesn't kill you will make you stronger, palagay ko may katotohanan din siya.
Isipin mo ang pinaka-malaking problemang nalagpasan mo at siguradong gagaan ng onte ang iyong kalooban. Sabi nila don't live in the past daw, o kaya naman never rest on your Laurels. Pero minsan kailangan mong pasalamatan ang mga problemang humasa sa iyo, at minsan din kailangan mong isuot ang iyong koronang-Laurel para maalalang malakas ka at minsan ka nang nagtagumpay. Kayang kaya mo itong ulitin.
Sinulat ko to hindi lang para sa iyo, na nagtiis magbasa ng ganto katagal, kundi para rin sa aking sarili, na lubhang nangagailangan ng lakas ngayon.
Ayan ubos na sipag ko.



2 watched him play:
haha...oo nga...half-way ng post e nasa intro pa din...hehe...WOT?...mukang interesting and description...but i'm more on Steve Berry books right now...try reading one too...(pa promote lang po...tnx!)...baka sa kaling 'pag natapos ang Steve Berry at Dan brown books ko e WOT type of books naman ang tirahin ko...tnx for the tip...(n_n)
marami akong kakilala na gusto yung gawa ni robert jordan. pero hindi ko pa yan nababasa. medyo nakakapalan ako kapag nakikita ko. ilan sa mga nagustuhan kong books na fantasy ay ang mag sumusunod (pa-promote na rin):
his dark materials ni phillip pullman, na sa kasalukuyan nasa production para sa isang full-length film. isa sa mga paborito kong trilogy. may pagka-philosophical din siya lalo na nang tinatalakay ang The Authority. hindi maiwasan na may tirada ito sa relihiyon.
earthsea trilogy ni ursula le guin. matapos ko tong basahin, sinabi ko na lang na bakit hindi naging kasingsikat ito ng harry potter. lahat ba ng magagandang libro (yun talagang maganda) di kumikita nang mas malaki. di may konsepto ng wizard school. ang concept ng magic ay sa pag-aalam sa tunay na pangalan (nomenclature-based). hindi schoolboy ang bida sa buong trilogy. pakikipagsapalaran ito ng isang gifted wizard hanggang sa lumaki siya at tuluyang maging archmage. para ngang epic kapag binabasa. heto ang malupit, alam ko may anime version na to na gawa ng studio ghibli. anak ni hayao mayazaki ang nag-direk.
Post a Comment