The Inconvenient Truth
..is that there are so many more who are better than me at what I do."
-Me, March 3, 2007, 11:52 PM
Diba? Inconvenient talaga yun. Dahil sa matinding kawalan ng magawa, naisipan kong mag "blog-surfing" at napansin ko na may on-going competition pala for the Best Philippine Blog Site. Pardon my French, pero Puta, ang gaganda nga naman talaga. Nakakainspire. Nakakainggit. Nakaka-badtrip kasi gusto ko ganun din ang blog ko.
Isa pang nakakaasar ay napansin kong nabura ko na pala halos lahat ng old literary works ko. Sa kakasurf ko kanina nakita ko kasing pino-post ng mga blogger na ito ang mga piyesa nilang pinapasa sa skwela. Yung mga reaction paper o teacher-imposed essays na hindi naman siniseryoso ng ibang estudyante. Ang dami kong ganun dati. Hindi ko naisip na pwede din pala silang karne sa blog site. Nakakaasar talaga kasi itong mga maliliit na piyesang ito ang nagsimulang huminang sa aking pinakamamahal na talento. Kumbaga, parang baby pictures sila ng Coffee Scented Keyboard. But they are gone now, and I weep for them. For they were alive, and not even I who gave them life can give it again.
Matapos ang munting drama na yun, balik tayo sa topic. Nakakaintimidate nga naman talaga ang creativity ng mga bata (nominated bloggers) na ito. At dahil nga may likas akong kayabangan, hindi ma-take ng ego ko kung gano kalaki ang distansya sa amin. Mahirap ma-outclass. Pagsusulat na nga lang ang isa sa mga bagay sa buhay kong walang bahid ng kamunduhan. Uncorrupted ika nga nila. Dahil malaki-laki na ang binayad ng aking kaluluwa upang mamuhay ng 'normal' at maging 'in'. Bahagi na ng aking katauhan ang maskarang suot ka dati. At anuman ang sabihin sa akin, hindi ako hihingi ng tawad para sa lahat ng aking nagawa at lahat ng aking nasaktan. Kahit na ako mismo ang pinaka kawawa kong biktima.



4 watched him play:
si kuya nico, nagddrama ule.. hEhe.. maGanda din naMan yUng blog niYo kUya ah.. neEdLess to saY na naKakainSpire din.. >walang kaplastikan yun,, suki po ako ng bLog niYo.,<
At anuman ang sabihin sa akin, hindi ako hihingi ng tawad para sa lahat ng aking nagawa at lahat ng aking nasaktan << tHis is abSoLuteLy riGht.. yOu don'T haVe to bE soRry fOr beiNg yOurseLf..
P.S.
yan, hinDi nga akO naGtag.. naGcomMent naMan po... waHeheheh.Ü
pareho tayo ng napansin... hehe... naunanahan mo lang akong gumawa ng post tungkol sa mga blogs ng ibang tao.... hehehe...
ako rin wala akong naitago. pinakanatago ko lang ay yung gawa ko pa nung probi ako... haha.
gusto ko rin sumama sa Philippine's best blogs. pero kadalasan about the daily happenings in my life and pinipost koh.pero i'm not after impressing people naman eh. ang blog, para sakin, outlet yan ng emotions mo at di lang ng talent.
true :D hindi naman kailangang may fans.. pero ok din kung meron! ahaha :D
Post a Comment